Advertisers

Advertisers

2 timbog sa package ng droga

0 136

Advertisers

DINAKIP ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region-3 ang dalawang lalaki na tumanggap ng parcel mula USA na naglalaman ng iligal droga sa Barangay Concepcion, Baliuag City.

Kinilala ang mga nadakip na sina Vincemt Francis R Estrella, 32 anyos, ng Brgy. Concepcion; at Gilbert Gonzales Guinit, 35, ng Brgy, Sabang sa nabanggit na lungsod.

Sa report, 152.9 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,055,010.00 ang laman ng parcel.



Sa paunang imbestigasyon ng PDEA, dumating sa Port of Clarck ang shipment ng illegal drugs nitong Mayo 10, 2023 at Mayo 14 ng tanghali nang masukol ang mga suspek.

Nagmula ang parcel sa New York, USA na una nang idineklara na naglalaman ito ng chocolates. (Thony Arcenal)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">