Advertisers
NILASING muna bago halinhinang ginahasa ang isang grade 10 student nitong Linggo sa Makati City.
Ang biktima ay itinago sa pangalang Lorie, 15, ng Barangay Tejeros ng naturang lungsod.
Nakakulong na sa Makati City Police detention facility ang isa sa mga suspek na si Ashley Rocky David, 19, taga #298 Almazar St., Barangay Tejeros, at nagsasagawa pa ng follow-up laban sa isa pang suspek na inaalam pa ang pagkakakilanlan nito.
Sa ulat, naganap ang insidente 3:50 ng madaling araw sa bahay ni David.
Nabatid na kakilala ng biktima ang mga suspek at niyaya umano itong makipag-inuman sa kanila na pinaunlakan naman ng dalagita. Pero nang malasing ang biktima ay halinhinan na itong ginahasa ng dalawa.
Inihahanda na ang kasong Rape laban sa mga suspek.(Gaynor Bonilla)