Advertisers

Advertisers

Retiradong sundalo bumulusok sa bangin galing sa lamay

0 110

Advertisers

NASAWI ang isang retired Philippine Air Force (PAF) nang mahulog ang sinasakyang kotse sa bangin parte ng Sitio Rubruban, Barangay 19, Abucay, Piddig, Ilocos Norte nitong Lunes.

Kinilala ang biktima na si Avelino Crisostomo, 64 anyos, retiradong sundalo, ng Barangay 20, San Jose, Sarrat, ng nasabing lalawigan.

Sa reportng Piddig Police Station (PPS), pauwi na ang biktima galing sa lamay ng kanyang kamag-anak sa Barangay San Julian, Solsona at diumanoy nakainom ito ng alak nang mawalan ng kontrol sa manibela, at nalaglag ito sa bangin na may ilang metro ang lalim.



Nagtamo ang biktima ng malalalim sa sugat sa katawan at ulo sanhi ng kanyang pagkasawi.