Advertisers
NASAWI ang isang dating sundalo habang sugatan ang isang babae sa pamamaril sa bayan ng MacArthur, Leyte nitong Lunes ng hapon.
Kinilala ang nasawi na si Antony Lou Bogal, residente ng Javier, Leyte.
Sa report, nagmamaneho si Bogal ng tricycle sa may Barangay Palale I, MacArthur 2:10 ng hapon nang pagbabarilin ng lulan ng ‘di mabatid na sasakyan.
Sugatan naman sa ulo ang isang Pelina Garcia, 56, na nagbibisikleta sa lugar nang umatake ang mga salarin.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang insidente.(PFT team)