Advertisers
Matindi ang content ng pinakahuling vlog ni suspended Congressman Arnie Teves na pumaimbolog sa social media kamakalawang araw.
Patungkol ito sa dalawa umanong miyembro ng gabinete ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na madalas umanong gumamit ng pulbos sa tuwing haharap sa press conferences.
Double meaning ang naging pahayag na ito ni Teves laban sa umano’y dalawa sa pinakamalapit na miyembro ng gabinete ni PBBM.
Ano nga ba ang “pulbos” na tinutukoy ni Teves?
Ito ba ‘yung talcum power na ipinapahid sa mukha ng mga make up artist bago paharapin sa camera Ang isang VIP personality para maging kaaya- aya ang itsura sa harap ng telebisyon o ang pulbos na mabilis na nagpapagana ng utak tulad ng cocaine?
Matagal nang isyu ang paggamit ng imported na cocaine sa hanay ng mga opisyal natin sa gobyerno at ilan pang high profile personalities dito sa ating bansa.
Maging si Pangulong Bongbong Marcos Jr. ay hindi nakaligtas sa mga ganitong intriga.
Ngunit ang banat ni Cong.Teves sa dalawang miyembro ng gabinete ni PBBM na umano’y nakasama rin ni Teves sa Kamara noong mga mambabatas pa ang mga ito ay masyadong seryoso.
Si Teves na umamin na dati ring gumagamit ng ipinagbabawal na substance ay tila kampante at sigurado sa kanyang mga binitawang akusasyon.
Bakit kaya?
Naging magkaka- jamming nga ba ang mga ito noong mga nagdaang panahon sa Kongreso?
O common knowledge na ito ng mga staff nila sa Congress?
Sinabi ni Teves na matagal na siyang tumigil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
Sinabi pa ni Teves na kung hilatsa lamang ng mukha ang pagbabatayan,di hamak naman na “fresh” ang kanyang mukha kumpara sa dalawang gabinete ni PBBM.
Kapuna- puna nga naman ngayon ang hitsura ng dalawang opisyal na ito na mukhang tumanda at nanuyo at nangitim ang balat sa kanilang mga mukha.
May mga makakati ang dila na netizens na ang tinutukoy umano ni Teves sa kanyang vlog ay sina DOJ Secretary Boying Remulla at SILG Benhur Abalos na di naman natin sinasang-ayunan.
Nananatiling buo at solido ang respeto at tiwala natin sa dalawang mamang kalihim.
Kung paano ito mapapatunayan ni Teves is another story.
Bahala na siyang magpaliwanag!
Sabagay,sino nga ba tayo para humusga?
Naririto lamang tayo para magpahayag ng ating obserbasyon at opinyon.
Pero sa totoo lang ang mga ganitong alegasyon o akusasyon man ay lubhang nakakabahala sa publiko lalo na at mismong mga kapulisan natin ay napatunayan nang direktang sangkot sa kalakalan ng iligal na droga.
Isang komprehensibo at sama- samang aksyon ang marapat gawin ng gobyerno laban sa salot na droga.
Kayanin kaya ito ng kasalukuyang administrasyon?
ABANGAN!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com