Advertisers
HINDI inaalis ng Department of Justice (DOJ) ang posibilidad na maaring naka-labas na sa kustodiya ng mga otoridad ng Czech Republic ang dating mambabatas na si Zaldy Co.
Sinabi ni DOJ Secretary Fredderick Vida, na walang garantiya na hawak pa ng mga otoridad si Co at marapat na irespeto ang kanilang batas.
Mahigpit na kinukumpirma at biniperipika pa ng DOJ ang nasabing mga ulat.
Nagbigay na sila ng mga impormasyon sa immigration officials ng Pilipinas at pulisya na si Co ay nasa kustodiya ng mga otoridad ng Czech.
Personal na nagtungo sa Czech Republic si Co para makakuha ng mga impormasyon at tignan ang mga posibilidad na makapagbigay ng red notice mula sa interpol laban kay Co.
Mayroong panibagong grupo ang magtutungo sa Central European country para dalhin ang ilang dokumento na nagbibigay ng kadahilanan para sa red notice kay Co.
Wala rin itong nakikitang deadline dahil sa mayroong sariling sistema ang Czech na marapat na ito ay irespeto.
Magugunitang unang inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na naaresto sa Czech Republic si Co dahil sa kawalan ng mga dokumento.
Nasasangkot si Co sa iba’t-ibang anomalya na may kinalaman sa flood control projects.