Advertisers

Advertisers

Sen. Lacson, planong pagharapin sina Romualdez, Co at 18 ex-Marines sa BRC hearing

0 6

Advertisers

NAIS ni Senate President Pro Tempore at Blue Ribbon Committee Chairman Panfilo “Ping” M. Lacson na imbitahan si dating Speaker Romualdez sa susunod na pagdinig ng komite, lalo na matapos niyang magpahiwatig sa isang video message na maaari niyang pangalanan ang ilang personalidad na sangkot sa isyu sa flood control.

“As long as may information na kailangan ang kanyang participation and it seems that way na meron talaga siyang kailangang linawin lalo pa nga’t may nilabas siyang mensahe, we’ll keep inviting him,” ani Lacson.

Mas makabubuti aniya kung magharap sina Romualdez, Co, at ang mga dating sundalo na nagsabing sila ang naghatid ng kickback sa iba’t ibang personalidad, kabilang ang dating Speaker.



“Hindi ako huwes pero base sa aking karanasan na rin sa investigation and intelligence, importante ang maobserbahan mo ang demeanor. Assuming mag-attend siya na payagan siya ng House at siya mismo kusang-loob mag-attend, wala kang masyadong way ma-check ang kanyang tine-testify. Pero kung nandiyan si Co at ilang ex-soldiers na nag-deliver o si Guteza pa, mas makakapagtanong kami simultaneously at malalaman maga-gauge namin sino nagsasabi ng totoo at sino outright na nagsisinungaling,” wika pa ni Lacson.

Nang tanungin hinggil sa posibilidad na umabot sa Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ebidensiya, iginiit ni Lacson na susundan ng Blue Ribbon panel ang ebidensiya, kahit pa humantong ito sa Pangulo.



Gayunman, sa ngayon aniya ay wala pang halagang ebidensiyal ang mga pahayag ni Co na nag-uugnay sa Pangulo sa umano’y mga kickback dahil hindi ito ginawa sa ilalim ng panunumpa. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">