Advertisers
Sa kauna-unahang pagkakataon magkakaroon na ng fashion show sa lungsod ng Maynila na tinawag na “Rampa Manila”.
Sa press conference sa Bulwagang Antonio Villegas sa Manila City Hall kasama ang ilang mga designers, Manila tourism at ni Manila Mayor Honey Lacuna, sinabi ni Bang Pineda, creative director ng Rampa Manila na nais nilang bumuo ng kakaiba sa Maynila.
Sa Maynila nais nilang mabuhay ang industriya ng fashion at ng mga designer dahil ang Malate aniya ay ang fashion capital ng Maynila noon partikular sa Maria Orosa.
“Nawala na ‘yung eksena sa Maynila na well known na fashion designer. We should bring back the glory of Manila,” pahayag pa ni Pineda.
Nagpasalamat din si Pineda kay Manila Tourism Director Charlie Dungo at kay Lacuna dahil sa kanilang suporta para magsagawa ng Rampa Manila sa lungsod.
Sinabi naman ni Doris Jimenez, partikular na irarampa ang mga disensyo ng mga gown sa naturang fashion show o Rampa Manila na gawa ng iba’t-ibang fashion designers tulad ng college student pa lamang na si John Jade Montecalvo.
“This event will be a game changer- rise industry again-to help Manila and the culture.. it’s about the artist to support Filipino desinger.. and the entire designers in the industry.” ayon naman kay Jojo Rubio na isa rin designer.
Partikular na irarampa sa fashion show ang mga Filipiniana na gawa ng mga Filipino designers.(Jocelyn Domenden)