Advertisers
NAKATAKDANG maging free agent si Bruce Brown matapos tanggihan ang $6.8 million player option sa NBA champion Denver Nuggets.
Si Brown na lumagda sa Denver nakaraang summer ay naging mahalaga sa Nuggets. Puwedes siyang maglaro ng guard position at small forward at nag average ng 12 points at four rebounds sa postseason na humantong sa pagpatalsik ng Denver sa Miami sa Game 5 sa Finals para maangkin ang kanilang kauna-unahang titulo sa NBA.
Ang 26-year-old Brown ay second-round pick sa 2018 ng Detroit mula sa University of Miami.Naglaro siya ng dalawang season sa Piston, at dalawa pa sa Brooklyn, bago lumipat sa Nuggets team na kinabibilangan ng grupo nina Jamal Murray, Michael Porter Jr.Aaron Gordon at Finals MVP Nikola Jokic.