Advertisers
PATULOY ang komunikasyon ng Samahang Basketball ng Pilipinas at kampo ni NBA star Jordan Clarkson at Kai Sotto at umaasa na makakasama ang dalawa sa Hulyo.
Sinabi ni SBP president Al Panlilio na patuloy ang negosasyon sa dalawang kampo habang pina-finalize ang iskedyol sa iba pang tuneup games sa China sa unang Linggo ng Agosto.
“We’re talking to him. Timing lang talaga. We’re gonna be asking him if he can come to join us in the last week of July because we want him to be part of the games in China,” Wika ni Panlilio sa sitwasyon ni Clarkson.
“Of course, he has committed naman to play, we’re just finalizing the schedules,” Dagdag pa nya.
Kagaya rin ng sitwasyon kay Sotto ayon sa SBP chief. Ang 7-foot-3 center ay kasalukuyang nasa US habang hinihintay ang tawag para sa NBA Summer League matapos ang series ng training camps sa dalawang NBA teams.
“We know he’s busy with the NBA Summer Leagues. He wants to join. We’re in constant communication with him. I know he has committed to be part of the pool. He also wants to come in maybe some time in July,” anya.
Bukod sa dalawa, apat na iba pang players, RR Pogoy,Calvin Oftana, Jordan Heading at Ray Parks, ang hindi makakasama ng team sa Estonia dahil sa kanya-kanyang injuries.