Advertisers
PANAHON na para sila tuldukan.
Naglipana ang mga masasamang elemento sa cyberworld.
Partikular sa mobile phone na essential na gamit pang- komunikasyon sa buong daigdig.
Ang gagaling ng mga taong sadyang ang utak ay eksklusibo para sa sa IT na dapat hangaan at itanghal sa pedestal.
Pero hanggang sa mundong ito ng modernong panahon ay may pakawala pa rin si ‘Taning at ikinalat sa daigdig ng teknolohiya upang mamerwisyo ng mga tao sa paggawa ng cyber crime.
Mismong ang korner na ito ay nadale ng mga hinayupak na hackers upang pagkaperahan kung sila ay hahayaan.
Ang daming alam na paraan upang sila ay makapamerwisyo tulad nang pagkuha ng tiwala ng kanilang prey upang maibigay ang detalyeng hiningi at pronto na-trace na ng loko ang code ng FB ko.
Dahil kakilala nang husto ang nagchat dahilan upang maibibigay ang numero kaya bingo dun na maghahasik ng masama ang demonyo.
Na-hack ng linsyak ang ating FB messenger at presto..iyong mga nasa inbox ay na- chat ng animal at gustong magkamal sa paraang iligal.
Mabuti at ating naagapan ang kakalat na wildfire ng kasamaan upang mamerwisyo at mambudol sa tao.
Buti na lang agad kong nasabihan lahat ng kaanak, KAISPORT, malayo at malapit na kaibigan .
Gayunpaman ,di naman perfect ang kanyang cyber crime dahil may bakas , detalye at pagkakakilanlan siyang iniwan na magiging lead para mabilibid ang istyupid.
Doble ingat mga kababayan.
Hackers and scammers are on the loose.
Aksiyon na gobyerno , otoridad at mamamayan… ABANGAN!