Advertisers
NASA 423 preso o persons deprived of liberty (PDLs) ang pinalaya mula sa iba-ibang kulungan na nasa hurisdiksiyon ng Bureau of Corrections (BuCor).
Sabi ni BuCor Director General, Gregorio Pio P. Catapang Jr., ang 423 preso na pinalaya ay natapos na nila ang sintensiya, at upang mabigyan sila ng ikalawang pagkakataon na maisaayos nila ang kanilang mga buhay.
Sa 423 PDLs pinalaya, 121 ay naka-parole, 3 pinawalang sala, 1 naka probation, 1 nasa ilalim ng recognizance, at ang iba pa ay natapos na ang kanilang sintensiya.
Sa rekord ng BuCor, sa mga pinalayang preso, 188 ay mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, 77 sa Davao Prison and Penal Farm sa Davao del Norte, 55 mula Leyte Regional Prison sa Abuyog, Leyte, 29 mula San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City, 11 sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro, 33 sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City, 23 sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan, at 7 mula Philippine Military Academy prison facility.(GAYNOR BONILLA/JOJO SADIWA)