Advertisers

Advertisers

SENADO PASOK SA PAG-EESKAPO NG ‘DRUG INMATE’ NA SI JAD DERA SA NBI JAIL

0 145

Advertisers

SINIMULAN nitong Miyerkules ng Senado ang kanilang ‘motu proprio investigation’ sa paglabag ng ilang NBI officers na may custody kay Jose Adrian “Jad” Dera, ang bilanggo na nakalalabas sa kanyang selda.

Si Dera, kasamang akusado ni dating senador Leila de Lima sa kanyang nalalabing kaso, ay nakalalabas sa kanyang selda hanggang sa mahuli noong Hunyo 21, kasama ang anim na National Bureau of Investigation (NBI) security officers.

“The Senate committee on justice and human rights deems it necessary to investigate this case, so that the integrity of the country’s systems can be checked, and that the perpetrators can be penalized accordingly,” sabi sa maikling pagdinig.



Binanggit si Justice Assistant Secretary Mico Clavano, sa pagdinig ay tinalakay ang “connivance between certain people in detention and those in the NBI that allow for the detainees to temporarily go in and out of the center.”

Pero sinabi ng abogado ni Dera na si Raymond Palad, ang kanyang kliyente ay may permiso na pansamantalang lumabas ng selda para sa medical reasons. Sinabi rin niyang si Dera ay nahuli ng mga awtoridad sa loob ng NBI compound, hindi habang nakasakay sa marked vehicle ng ahensiya, ayon narin sa sinabi aniya ng Department of Justice.

Sa maikling pagdinig ay sinabing ang Senate committee on justice and human rights ang magrerebyu at tatasa sa kasapatan ng NBI security rules at mechanisms, at kung paano malalaman ng bureau ang mga iregularidad at korapsyon sa loob ng ahensiya.

Hihimayin din ng komite ang “responsibility and accountability of the erring NBI security personnel, and pinpoint the authorities or officials concerned who gave consent, if any, in the alleged temporary release from detention of Jad Dera.”

Sesentro ito sa mga kailangang gawin para maiwasan na ang mga iregularidad sa operasyon ng law enforcement bodies sa bansa.



Si Dera ay isa sa co-accused ni De Lima sa natitirang pending drug case ng huli sa umano’y kalakalan ng iligal na droga sa New Bilibid Prison. Pero sa simula palang ay itinatanggi na ni Dera ang akusasyon laban sa kanya.