Advertisers
Ni BLESSIE K. CIRERA
SUCCESSFUL ang isinagawang feeding program ni Madam Ludy Gilkison ng Pinoy Lakas Radio Streaming kasama ang kanyang mga anak, kamag-anak at malalapit na kaibigan sa Leveriza, Pasay City nitong nakalipas na Sabado, July 1.
Naimbitahan din ni Madam Ludy ang inyong lingkod at si Morly Alinio ng DZRH.
Siyempre, nais ding pasalamatan ni Madam Ludy si Jun Vallejos of Vallejos Realty Group sa pagsuporta sa kanilang proyekto.
Super saya naman ng mga residente ng San Juan, Pasay sa mga handog na regalong pagkain ng Pinoy Lakas lalo na sa mga bata.
Pang ilang feeding program na raw ito ng Pinoy Lakas at nakagawian na ito nina Madam Ludy bilang tulong na rin sa mga kababayan natin.
Samantala, nais din nating batiin si Madam Ludy nang gawaran ng karangalan sa The Philippine FAME Fashion and Business Awards bilang Outstanding Fil-American, Fil-Am Ambassador & Social Media of the Year.
Kamakailan lang din ay nakipagkita si Madam Ludy kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano para sa isang importanteng meeting.
Binabati nga pala natin ng Advance Happy Birthday si Pinoy Lakas VP MSgt Michael Bryan Villamac Ho.
P.S. Get well soon nga pala kina Madam Ludy at sa kanyang anak na si Mike na kapwa may karamdaman ngayon.