Advertisers

Advertisers

Alex kinahiya ng mister na si Mikee; Kaye gandang ‘di kumukupas

0 155

Advertisers

Ni BETH GELENA

BINIGYAN ni Vice Ganda ng advice ang contestant ng
“Rampanalo” segment ng “It’s Showtime.”
Sinabi kasi ng contestant nitong nakaraang Lunes na,“masarap naman po mabuhay bilang mahirap.”
Kinorek naman ni Meme Vice ang mindset ng contestant.
Aniya, “Iko-correct lang natin ‘yan ha. Kasi hindi tama ‘yung sinasabi nating okay naman maging mahirap. Alam mo ang okay lang na nararamdaman ng maraming mahirap, okay kasi mahirap sila pero nagmamahalan silang pamilya, okay ‘yon. Mahirap sila pero mabuting tao sila, okay ‘yon. Mahirap sila, pero mahal sila ng nanay at tatay nila, okay ‘yon. Mahirap sila at nakakapag-aral sila, okay ‘yon.”
“Pero kung may pagkakataong maging mayaman, ayaw mo ba ‘yon?” tanong ni Vice sa contestant.
“Gusto po,” sagot ng contestant.
“Yon! Kaya ‘wag mong sasabihing okay, masarap maging mahirap kasi hindi totoo ‘yan. Mali ‘yon, mali. Maling mentality ha,” lahad ni Vice.
“Mali ang mentality na mahalin natin ang pagiging mahirap dahil hindi. Maraming pagkakataon sa buhay natin na hirap na hirap tayo dahil sa kundisyon ng ating pamumuhay. Kaya gagawa ka ng paraan para makatakas doon sa kahirapan na ‘yon, sa poverty. “Para ‘pag nakaanak ka, mapag-aaral mo ‘yung anak mo. Magkaroon siya ng magandang kinabukasan. ‘Yung asawa mo maging komportable ang buhay. Hindi kayo matatakot kung paano kayo magbabayad ng utang,” dagdag pa ng TV host
“Mindset, mindset, mindset! Mahirap ako ngayon, mabuting tao ako, pero tatakas ako sa kahirapan. Magiging mayaman ako at mabuting tao pa din,” dugtong pa niya.
Nakuha naman ng audience at netizens ang punto ni Vice kaya hinangaan nila ito.
***
KAYE, TIMELESS BEAUTY
NAPA-wow ang netizens sa viral photo ni Kaye Abad.
Ang caption na nakalagay, “We can’t stop aging but we can do it gracefully… with Aivee.”
Ang daming positibong komento mula sa netizens ang mababasa sa comment section.
“Wow… what a timeless beauty.”
“You never age. Just the way you look like during Tabing Ilog days.”
“Ang ganda mo grabe.”
***
MAY panibagong uploaded video na naman si Alex Gonzaga habang sila ay nasa Amsterdam.
Nagda-dance craze habang naglalato-lato si Alex.
Kinaaliwan ng netizens ang kanyang TikTok video kung saan nagsayaw ito ng lato-lato.
Pabiro niyang sinabi na kinahiya na naman siya ng kanyang asawa dahil sa kanyang ginawa.
Marami ang naaliw sa reaksiyon ni Mikee Morada, ang kanyang mister na natatawa na lang sa kakulitan ng kanyang misis.
“Kinahiya na naman ako ng asawa ko,” ani Alex.
Makikita sa video na natatawa si Mikee habang pinapanood ang asawa.
Narito ang ilan sa mga komento ng netizens: “Hahahahahahahahah! Umabot na rin dyan ate ang lato lato.”
“Tawa tawa lang sa likod asawa mo Alex Haha apaka supportive ng nasa likod.”