Advertisers
ARESTADO ang isang lalaki matapos halayin at pagnakawan ang kinatagpung chatmate sa Mandaluyong City noong Biyernes.
Kinilala ang nadakip na si Jericho Reambilio alyas “Jek-Jek”, 23 anyos, ng Baramgay Addition Hills, Mandaluyong City.
Base sa imbestigasyon ng mga pulis, unang beses palang nagkita ang suspek at ang 24 anyos niyang chatmate noong Biyernes.
Dinala ng suspect ang biktima sa bahay ng kaibigan at doon isinagawa ang panghahalay sa dalaga.
Hindi pa umano nakontento ang suspek, na matapos ang isinagawang panghahalay, puwersahan pa nitong kinuha ang cellphone ng biktima.
Mariing itinanggi ng suspek ang ibinibintang sa kanya. Pero nakatakda itong sampahan ng reklamong robbery, illegal possession of bladed weapon, at rape.