Advertisers
IPAPATUPAD ngayong araw ng mga oil company ang bigtime na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Sa magkahiwalay na advisories, sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Corp. na magtataas sila ng presyo kada litro ng gasolina ng P1.90, diesel ng P2.10, at kerosene ng P1.80.
Epektibo ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ngayong alas-6 ng umaga para sa lahat ng mga kumpanya maliban sa Cleanfuel na magsasaayos ng mga presyo sa 4:01 p.m. sa parehong araw.
Ang ibang mga kumpanya ay hindi pa nakakagawa ng mga katulad na anunsyo para sa linggo.