Advertisers

Advertisers

PBBM: ‘Insurhensiya patapos na’

0 231

Advertisers

MISMONG si Pangulong Bong Bong Marcos ang naghayag nitong Sabado na tiwala siyang bago magtapos ang taon na 2023, ang Northern Samar ay ang huling bayan na mahahawakan ng New People’s Army.

Ito, aniya, ay dahil magagapi na ang mga rebelde ng Armed Forces of the Philippines.

Ito ay inihayag ni PBBM nang bumisita siya Camp Sumoroy sa Catarman, Northern Samar kungsaan pinapurihan niya ang 803rd Infantry Brigade (IBde) ng Philippine Army (PA) sa kanilang pagsisikap na malupig ang mga natitira pang ‘maliit’ na bilang ng NPA sa lugar.



Umaasa ang Pangulo na matatapos ng Army ang pagkaubos ng NPA sa December o bago magtapos ang 2023.

Nabigyan kasi si PBBM ng ‘briefing’ sa kanyang pagdalaw doon kungsaan isinama na ng PA na ang kanilang ‘deadline’ para sa mga komunistang-teroristang NPA ay hanggang December nalang.

“From the progress being made in Northern Samar, we are looking forward to declaring that province clear of CTGs ( Communist Terrorist Group) by the end of the year,” pag-uulat ng Pangulo.

Di na nga raw makakapaghintay ang Pangulo sa araw na iyon, na muli siya dadalaw sa Northern Samar para ideklara itong malaya na sa kuko ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF.

Napakalaking papel ang ginampanan 803rd IBde sa pagkakabawas ng mga insurektos sa nasabing rehiyon, mula sa pagkakasuko ng 6,200 nang maging mga taga-suporta at sumisimpatya pati na ang isang personalidad sa CPP-NPA-NDF, ay nabuwag pa nito ang dalawang NPA guerilla fronts sa Northern Samar.



At sa kabila ng kanilang tagumpay pinaalalahanan parin sila ng Pangulo na huwag luluwag sa pakikipaglaban at pagbabantay sa probinsiya nang di na makaporma pa ang NPA.

Mayroon din namang paanyaya ang Pangulo sa mga rebelde. Ang kanilang pagsuko ay makakabuti para sa kanila.