Advertisers

Advertisers

AIRASIA ‘NAKABANGON’ MULA SA PAGKALUGI NITO SA PANDEMYA

0 106

Advertisers

INIHAYAG ng AirAsia Philippines nitong Martes na nakabangon ito mula sa pagkalugi nito sa pandemya matapos itong makapagrehistro ng mas mataas na bilang ng mga pasahero sa unang kalahati ng taon.

Iniugnay ito ng airline mula sa mataas na domestic at international demand para sa paglalakbay.

Sinabi ni AirAsia communications and public affairs chief Steve Dailisan na nakapagtala ang airline ng 92-percent load factor mula Enero hanggang Hunyo 2023, mas mataas kaysa sa pre-pandemic record na 91 porsiyento sa parehong panahon.



Nag-post din ang airline ng 94 percent sa unang 15 araw ng Hulyo, mas mataas kaysa sa pre-pandemic level na 88 percent.

“We attribute the increase in load factor to the trust our guests have placed in AirAsia. Our improved on-time performance, best value for money deals and safety protocols entice our customers to fly with the World’s Best Low-Cost Carrier. Our guests can also expect timely updates on flight schedules whenever there are disruptions brought about by weather or non-scheduled maintenance of aircraft to promote transparency in our day-to-day operations,” ani Dailisan.



Nauna nang iniulat ng Manila International Airport Authority (MIAA) na ang bilang ng mga pasahero mula Enero hanggang Hunyo ay tumaas ng 78 porsiyento hanggang 22.22 milyon. Ito rin ay 8 porsiyentong mas mataas kaysa sa pre-pandemic figure.

Sa buong mundo, sinabi ng International Air Transport Association (IATA) na ang trapiko sa himpapawid ay umabot sa 96.7 porsyento ng pre-pandemic level noong Mayo.



Idinagdag ni Dailisan na ang AirAsia Philippines ay nasa malapit na pakikipagtulungan sa industriya at mga kasosyo ng gobyerno sa pagbibigay ng mahusay, abot-kaya at tuluy-tuloy na paglalakbay sa mga bisitang may mga pasaherong inaasahang tataas muli sa mga darating na buwan. (JOJO SADIWA)