Advertisers

Advertisers

Kwestyunableng huirisdiksyon ng ICC resolbahin muna – Cong. Erwin Tulfo

0 94

Advertisers

NANINDIGAN si dating Social Welfare Secretary at Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support Partylist, (ACT-CIS) Partylist Representative Erwin Tulfo na dapat unahing resolbahin ng International Criminal Court (ICC) ang kuwestiyunableng hurisdiksyon nito.
Ito ang reaksyon ni Tulfo matapos ang pagbasura ng Appeals Chamber ng International Criminal Court (ICC) kaugnay sa apela ng gobyerno ng Pilipinas na kalimutan na ang pag-iimbestiga sa “war on drugs” ng nakalipas na administrasyon.

“Sagutin muna nila kasi wala na tayo sa kanila, may karapatan pa ba sila? Hindi pa nila sinagot ‘yung jurisdiction. Ang iniimbestigahan lang naman eh member eh umalis na tayo, hindi na tayo member. ‘Yun ang punto ng apela ‘wag nyo na kami imbistigahan kasi di na kami member.

Kaso binasura nila tuloy-tuloy pa…Bakit ang ibang bansang’ di member di nila pinapakialaman. Sagutin muna nila ‘yun,” pahayag ni Tulfo sa ginanap na pulong balitaan ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) sa Century Seafood Restaurant sa Malate, Maynila kahapon.



“Personally, kung wala na tayo, bakit pa tayo panghihimasukan? We are not a member anymore… parang pangi-insulto naman na wala silang tiwala sa ating justice system eh meron naman, gumagana naman,” punto ni Tulfo.

Ayon pa sa Kongresista, kitang- kita na ang target ng ICC ay sina dating Pangulong Rodrigo Roa-Duterte at Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.



“Mabuti sana kung wala… halatang-halata na ang target ng ICC ay sina dating Pangulong Duterte at Senator Bato,” diin pa ni Tulfo.

Dagdag pa nito na isang panghihimasok at insulto sa gobyerno ng Pilipinas ang isinusulong na imbestigasyon dahil matagal nang kumalas ang banda bilang miyembro ng ICC. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">