Advertisers
Muli na naman nasangkot ang isang kumpanya ng motorcycle taxi (MCs) sa Cebu matapos ang aksidente na kinasawi ng pasahero nito.
Nahingi ng tulong at hustisya ang pamilya ng nasawi na si Jeraldyn Asentista sa Barangay Lorega San Miguel, Cebu City.
Ang biktima ay nagkaroon ng multiple head and body injuries na agad ikinasawi nito.
Sinabi ng kapatid nito na si Jessica, na labis ang kanilang paghihinagpis sa pangyayar lalo pa at bukol at ilang gasgas lamang natamo ng driver ng Maxim Taxi Philippines, Inc. na pag-aari ng Russian transport company.
Nanawagan ang pamilya ng nasawi sa mga mambabatas na sila Sen. Raffy Tulfo, Sen. Grace Poe at iba pa na matigil agad ang ilegal na gawain ng Maxim na walang training sa pagpapasahero at ito rin ay walang insurance sa ganitong aksidente.
Ang Maxim ay kamakailan ay naimbistigahan na sa Senado kung saan ginisa ito ni Sen. Tulfo sa ilegal na gawain gaya ng pagiging kolorum nito.