Advertisers
KALABOSO ang mag-live-in partner at kanilang kasabwat nang matimbog ng pulisya matapos mangholdap ng isang convenient store sa Barangay San Gabriel, General Mariano Alvarez, Cavite, Miyerkoles ng umaga.
Ang mga naaresto ay kinilalang sina Jaime Christ Camerino at ka-live-in miyang si Maricel Bautista, mga nasa hustong gulang, ng Barangay Anabu, Imus, Cavite; at Glenn Urbano, 25 ng Brgy Habay, Bacoor.
Ang tatlo ay nadakip ng mga pinagsanib na operatiba ng General Mariano Alvarez Municipal Police Station, Carmona PNP, at ng Sta. Rosa City Police Station na nagsagawa ng hot pursuit operations sa Hotel Sogo sa Barangay Pulong Sta. Cruz, Sta. Rosa City, Laguna.
Sa ulat ni Cavite Provincial Police Director, Colonel Christopher Olazo, natunton ng kanilang tracker team na nagsagawa ng hot pursuit operations ang mag-live-in partner na Camerino at Bautista na nag-check in sa Hotel Sogo.
Nakuha sa mga holdaper ang isang caliber 9mm pistol, 4 cellphones kabilang ang mobile phone ng kompanya ng Alfa Mart, P55, 680.00 cash, assorted goods at isang kulay blue Honda Civic (THJ 946) na ginamit na get away vehicle; habang nasakote sa kanyang bahay si Urbano at nakuha dito ang ginamit na Yamaha Mio 125i motorcycle (968 QSC), P10,000 cash, 3 cell phones at isang cal.38 na baril na may laman na 2 bala.
Mahaharap ang tatlo sa kasong Robbery at Illegal Possesion of Firearms and Ammunitions. Nakakulong ang mga ito GMA Cavite Custodial Facility.(KOI LAURA)