Advertisers
Kinilala ng World Wide Fund for Nature (WFF)-Philippines ang malaking ambag ng Philippine Ports Authority (PPA) sa malinis at walang plastik na mga karagatan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng “Clean Port, Clean Oceans Project” sa buong bansa.
Walang pagod ang PPA sa pagsisikap at commitment sa pagpapatupad ng mga operasyon na walang plastic sa pamamagitan ng pagpapahusay sa waste management capacity and collection, at zero plastic community sa 130 pantalan nito sa buong bansa.
Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, hindi dapat mag-aksaya ng oras sa pag-aambag upang wakasan ang pandaigdigang problema sa polusyon sa plastik.
“Here in PPA, we make sure our ports are eco-friendly and plastic-free,” lahad niya.
Ginanap ang awarding ceremony sa pangunguna ng Department of Environment and Natural Resources noong July 18, 2023.
Dinaluhan ito ni PPA Assistant General Manager for Finance, Legal and Administration Atty. Elmer Nonnatus Cadano, na nagbigay ng acceptance speech na nagsasaad ng partnership ng PPA at WWF sa pamamagitan ng Memorandum of Understanding noong 2021.
“Thank you, WWF Philippines and Grieg Foundation for your untiring and unwavering commitment and generous contribution which were both instrumental in realizing this project and paving way for its successful implementation. We are grateful for the expertise and guidance you have extended to us especially on the administration of baseline studies and waste analysis in our pilot ports,” pahayag ni AGM Cadano.
Kasama sa mga pilot port kung saan ipinatupad ang proyekto ay ang Ports of Batangas, Manila North Harbor at Cagayan de Oro na nasa ilalim ng Port Management Offices ng Batangas, NCR North at Misamis Oriental/CDO.
Ilan naman sa mga interbensyon na pinasimulan sa mga pinamamahalaang pantalan ng PPA bilang bahagi ng proyekto ay ang pagpapakalat ng impormasyon, edukasyon at mga communication material tungkol sa mga kasanayan sa pamamahala ng basura; paglalagay ng mga upcycled waste bin para sa mga recyclable material sa loob ng Passenger Terminal Buildings; pagpapakilala sa “Trash-to-Cashback” Program na nagpapalit sa mga itinatapon na recyclable materials sa “environmental points”, na magagamit naman bilang pambayad ng utility bills, grocery items at food deliveries.
Kasama rin ang pagtatatag ng Material Recovery Facility na nagsisilbing centralized facility para sa segregation, recycling at pamamahala ng solid waste materials.
Bukod sa mga nabanggit na inisyatiba, noong June 2021, sa pamamagitan ng Memorandum Circular No. 11-2021, ipinatupad ng PPA ang pagbabawal sa mga single-use plastic product gaya ng cups na mas mababa sa 0.2mm ang kapal, drinking straws, coffee stirrers, spoons, forks, knives, plastic “labo” at sando bags (mas mababa sa 15 microns) sa lahat ng pantalan, pasilidad, opisina at mga establisyimento na nasasakupan nito.
Isa sa pinakamalaki at pinakarespetadong independent conservation organizations sa mundo ang WWF, na may mahigit 5 milyong tagasuporta at isang pandaigdigang network na aktibo sa mahigit 100 bansa.
Misyon nito na itigil ang pagkasira ng natural environment ng Earth at bumuo ng isang hinaharap kung saan ang mga tao ay namumuhay “in harmony” kasama ang kalikasan, sa pamamagitan ng pag-iingat sa biological diversity ng mundo.