Advertisers
Education is the most powerful weapon which you can use to change the world. — Nelson Rolihlahla Mandela
MAYPAJO, Lungsod ng Kalookan — Nauunawaan natin ang pinaiiral na proseso ng pagtanggap ng mga iskolar ng bayan sa ating mga pampublikong paaralan, tulad ng University of Caloocan City (UCC) sa Caloocan City at Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at Unibersidad de Manila (UDM) sa Manila.
Sadyang nakasaad sa batas na may karapatan ang nabanggit na mga insitusyon ng edukasyon sa pagpiuli ng kung sino ang tatanggapin nilang mga iskolar—depende sa kanilang grado sa academics at gayun din kung saan sila nakatira o residente, bukjod sa iba pang mga criteria o requirement.
Dangan nga lang ay may napuna po tayo sa ganitong sistema. Kawawa ang ilan nating kabataan dahil sa ganitong uri ng proseso ay napagkakaitan sila ng kailangang edukasyon para maging kapakipakinabang na indibiduwal ng ating lipunan.
Isa pa, nauulinigan natin ang sistema ng pagdrino o palakasan kaya mga anak lamang ng may matinding koneksyon sa politiko o maimpuwensyang kinatawan ang pinapalad na maging iskolar.
Kaya nga maitatanong nating kung may kabuluhan pa ba ang wika ng ating tinaguriang pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal: “Ang kabataan ang kinabukasan ng ating bayan.”
Paano nga naman sila magiging kinabukasan ng ating bansa kung pinagkakaitan sila ng edukasyon para mamuhay ng maayos at makapagbigay ng mahalagang kontribusyon sa lipunan?
Nagtatanong lang po . . .
* * *
Para sa inyong mga reaksyon o mungkahi, reklamo at kahilingan, magpadala lang ng mensahe sa aking email na cipcab2006@yahoo.com.ph o kaya’y i-text lang ako sa cellphone number na 09171592256 o tumawag sa (02) 84205512 (office hours) mula Lunes hanggang Biyernes. Maraming salamat po at mabuhay!