Advertisers
Advertisers
Advertisers
NASA 365,799 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid-19 sa bansa matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng bagong 1,923 infection base sa pinakahuling ulat ganap na alas-4 ng hapon nitong Biyernes, Oktubre 23.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa NCR na umabot sa 428 Region 4A na may 302, Region 6 na may 209.
Nakapagtala naman ang DOH ng 424 na bagong gumaling mula sa covid 19. Dahil dito nasa kabuuang 312,691 na ang mga gumaling.
Nakapagtala rin ang DOH ng 132 na bagong nasawi dahil sa virus na ngayon ay nasa 6,915 na ang kabuuan.
May 12 duplicates naman na tinanggal sa total case count. Walo dito ay recovered cases.
Samantala may 58 na kaso na naunang inulat na gumaling pero ito ay reclassified na namatay. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)
Next Post