Advertisers
Advertisers
Advertisers
NASA 367,819 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid-19 sa bansa matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng bagong 2,057 infection base sa pinakahuling ulat ganap na alas-4 ng hapon nitong Sabado, Oktubre 24.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa NCR na umabot sa 506 Region 4A na may 369, CAR na may 142.
Nakapagtala naman ang DOH ng 442 na bagong gumaling mula sa covid-19. Dahil dito nasa kabuuang 313,112 na ang mga gumaling.
Nakapagtala rin ang DOH ng 19 na bagong nasawi dahil sa virus na ngayon ay nasa 6,934 na ang kabuuan.
May 37 duplicates naman na tinanggal sa total case count. 21 dito ay recovered cases. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)