Advertisers
BINUGBOG hanggang sa napatay ng isang mister ang kaniyang misis nang malamang may kalaguyo sa Polomolok, South Cotabato.
Sa ulat, 40 anyos ang misis, habang 57 ang mister.
Naaresto ang mister na nagsabing nahuli niyang may kasamang ibang lalaki ang kaniyang misis gabi ng Agosto 1.
Kinabukasan, umuwi ang ginang at nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang dalawa na nauwi sa pambubugbog ng mister sa misis.
Nadala pa ang ginang sa ospital pero binawian din ng buhay.
“Nasaktan niya ‘yung asawa niya, nagkaroon ng head injury. Dinala sa hospital unfortunately namatay,” sabi ni Polomolok Municipal Police Station Chief, Lt. Col. Johnny Rick Medel.
Mahaharap sa reklamong ‘parricide’ ang mister.