Advertisers
Kulong sa paglabag sa Section 32, (Unlawful Manufacture, Importation, Sale or Disposition of Firearms or Ammunition) of R.A. 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) ang isang lalaki nang malambat ng otoridad ng Caloocan PNP.
Kinilala ang suspek na si Jovito Pazon y Waniwan , 40 anyos, ng No. 46 Phase 1, Package 3, Lot 56, Barangay 176, Bagong Silang, Caloocan City.
Sa ulat, ala-1:00 ng madaling – araw nitong Lunes nang maaresto ng Caloocan City Police Station na pinamumunuan ni PCol. Ruben B. Lacuesta at superbisyon ni PMajor John David O Chua, sa tulong ng Northern NCR Maritime Police Station, 4th MFC-RMFB NCRPO, nagsagawa ng buy-bust operation laban sa pagbebenta ng loose firearms, at naaresto ang suspek.
Isang Caliber .38 revolver ang naibenta ng suspek sa isang operatiba kapalit ng P3,500 sa ikinasang buy bust operation.
Nang hanapan ang suspek ng mga dokumento at papeles, walang maipakita ito, kaya agad itong inaresto.(Beth Samson)