Advertisers

Advertisers

Ex-Manila Vice Mayor Danilo Lacuna pumanaw na, 85

0 201

Advertisers

PUMANAW na sa edad na 85 anyos ang ama ni Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan na si dating Manila Vice Mayor Danilo “Danny” Lacuna, Linggo ng umaga, Agosto 13, 2023.

Sa kanyang social media post, inihayag ng pamilya Lacuna, sa pamamagitan ni Mayor Honey, ang panganay sa limang anak, na yumao ang kanyang ama Linggo ng madaling araw habang napaliligiran ng kanyang pamilya.

“A man of great service and compassion, Danny touched many, creating a life that spans further than just his years and into the hearts of us all where he will remain forever,” saad sa social media post ni Mayor Honey.



Nagsilbi si Danilo Bautista-Lacuna bilang Konsehal ng Maynila mula 1968 – 1975 at Bise Alkalde mula 1970 – 1971, 1988 – 1992, at pinakahuli ay 1998 – 2007.

Itinatag ng dating bise alkalde ang lokal na partidong pampulitika “Asenso Manileño”, na siyang bumuo kay dating Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at incumbent Mayor Honey Lacuna.



Naiwan niya ang kanyang asawang si Melanie “Inday” Lacuna at limang anak na sina Honey, Lei, Dennis, Liza, at Philip. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">