Advertisers

Advertisers

Final 12 list ng Gilas Pilipinas ilalabas na ngayong araw

0 171

Advertisers

ISUSUMITE ngayong araw ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes ang listahan ng final 12 na sasabak sa FIBA Basketball World Cup.

Sa ginawang open practice nitong Martes ng gabi ay dumalo ang 13 manlalaro.

Kinabibilangan ito nina Jordan Clarkson, Scottie Thompson, CJ Perez, Kiefer Ravena, RR Pogoy, June Mar Fajardo, AJ Edu, Kai Sotto, Japeth Aguilar, Dwight Ramos, Jamie Malonzo, Rhenz Abando, at Chris Newsome.



Hindi naman nakadalo sina Thirdy Ravena, Bobby Ray Parks at Calivin Oftana.

Sinabi ni Reyes na magpupulong ang kanilang technical group para sa pagpili ng final na listahan.