Advertisers
Inaasahang paiigtingin pa lalo ng Olongapo Solar Power Project ang estratehikong kooperasyon sa pagitan ng Energy China at AboitizPower Group sa pagtataguyod ng iba’t ibang paraang ng pinagkukunan ng enerhiya sa bansa.
Ito ay matapos pirmahan noong Agosto 10 ng joint venture ng China Energy Engineering Group Co., Ltd (CEEC) at Guangdong Electric Power Design Institute at ng AboitizPower Group ang kontrata sa pagtatayo ng Olongapo Solar Power Project.
Sa isang pahayag noong Martes, sinabi ng CEEC na ang proyekto ay higit pang makakabawas sa pagdepende ng bansa sa fossil fuel-derived energy at magpapalakas pag-unlad ng lokal na lipunan at ekonomiya.
“The signing paved the way for promoting a rolling development of the Philippines’ clean energy market and accelerating its green energy transformation,” ang wika ng CEEC.
Ang proyekto na itatayo sa 196 hektaryang lupain sa Olongapo, Zambales makakapaglikha ng tinatayang 172 megawatts na enerhiya.
Kapag natapos ang proyekto, ito ay idurugtong sa Costillejos 500kV substation sa mamagitang ng 203kv transmission line.
Ang Energy China ay isa sa pinakamalaking comprehensive solution providers at mamuhunan sa imprastraktura at sa power industry mula sa Tsina samantalang ang AboitizPower ay pangalawa sa pinakamalaking power developer sa Pilipinas.