Advertisers

Advertisers

P1.8m marijuana nakumpiska sa 2 tulak

0 4

Advertisers

Matagumpay ang isang araw na anti-illegal drug operations ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO CAR), nang makumpiska ang aabot sa P1,827,526.40 na halaga ng ilegal na droga at maaresto ang dalawang drug personalities sa magkakahiwalay na operasyon na isinagawa sa lalawigan ng Kalinga, Mountain Province, at Apayao noong ika-5 ng Agosto, 2026.
Sa isinagawang marijuana eradication operation, nadiskubre ang isang plantasyon na natamnan ng 9,000 fully grown marijuana plants na may Standard Drug Price (SDP) na P1,800,000.00 ng mga operatiba mula sa Tinglayan Municipal Police Station (MPS), Pasil MPS, Balbalan MPS, 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company (PMFC), at Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Kalinga Police Provincial Office (PPO) sa Brgy. Butbut Proper, Tinglayan, Kalinga,
Lahat ng nadiskubreng marijuana ay agad na binunot at sinunog ng mga operatiba habang idinala sa Provincial Forensic Unit-Kalinga ang ilang samples para sa qualitative test. Patuloy ang masusing imbestigasyon upang matukoy ang iba pang posibleng plantasyon ng marijuana sa mga kalapit na lugar at upang mapanagot ang mga indibidwal na sangkot sa pagtatanim nito. (Fidel Coloma)