Advertisers

Advertisers

David nagtapat kung bakit napagkakamalang suplado

0 3

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

NAGBIGAY ng pahayag at reaksyon si Direk Joey Reyes sa panayam sa kanya ng PEP.Ph kaugnay sa paratang na bastos at imoral si Vice Ganda.
Inireklamo pa sa korte si Vice at ang asawa nitong si Ion Perez, dahil sa harutan sa icing ng cake noong Hulyo 25 sa Isip Bata segment ng It’s Showtime.
Sabi ni Direk Joey,”I feel it’s an overreaction. ‘Yun ang sa akin lang, ha? It’s an overreaction because there are worse things that have been done in television. Which can be more criminal in context than eating icing in their fingers, hindi ba?”
Patuloy niya,”So, it’s a sign of the times na ang epekto ng social media sa pag-shape ng opinion ng tao, na kung minsan napapalaki yung dapat ay hindi naman.
“It’s a bandwagon mentality, e. It’s a bandwagon mentality but I hope, you know, eventually reason will win out, OK.
“I do not exactly approve of what they did. But not to the point of calling it a criminal act!
“Yeah, I mean it’s, maybe, mischievous. It may be out of context, but not to the point of calling it a criminal act.
“And it is so sad that so many people are being involved in it, OK. It’s so sad. In a way, it is unfair to Vice and to his partner.
“But at the same time, it gets to show the kind of society that we are becoming, ‘di ba? And the dangers of social media.”
***
SA interview ni David Licauco sa 24 Oras, nagpaliwanag siya kung bakit may mga pagkakataong tahimik lang siya, na hindi siya kumikibo, na inaakala tuloy ng ibang tao na suplado at isnabero siya sa tunay na buhay.
Paliwanag ng binata, ang pagiging tahimik daw niya ay may kinalaman sa kanyang health condition na tinatawag na sleep apnea. Ito ay isang sleep disorder na tumitigil kung minsan ang paghinga ng taong meron nito habang siya’y natutulog.
Sabi ni David, plano na raw niyang magpaopera dahil sa kanyang kondisyon pagkatapos ng primetime series nila ni Barbie Forteza sa GMA 7 na Maging Sino Ka Man.
“Gusto ko nang magpaopera after this show (Maging Sino Ka Man), so hopefully I find the time na magawa ko ‘yun, kasi I think sleep is the best gift by God,” sabi ni David.
Tungkol naman sa napagkakamalan siyang suplado, ang sabi niya, may konek ito sa kanyang kondisyon.
“I tend to be, parang iniisip ng mga tao na mataray ako, suplado, but actually may napi-feel kasi ako sa umaga na bigat eh, so parang wala ka sa mood, so I had to work out,” paliwanag pa niya.
Nauna rito, ibinalita na rin ni David last June, 2023 ang pagkakaron ng sleep apnea na siya ring nagiging dahilan ng pagiging late niya kung minsan sa taping ng kanyang mga projects.
“My breathing stops for like mga 30 seconds straight, 24 times in an hour. So, all throughout the night, hirap ako eh. So stressed ako. So paggising ko sa umaga, I’m stressed also,” aniya pa.