Advertisers

Advertisers

FREE EXCURSION NG SK ELECTION SA QC!

0 1,499

Advertisers

Kabi-kabila ang naging babala ng COMMISSION ON ELECTIONS (COMELEC) laban sa VOTE BUYING ay tila hindi pinangilagan ng isang SANGGUNIANG KABATAAN CANDIDTE sa isang BARANGAY ng QUEZON CITY dahil nagpa-excursion sila sa postura ng “TEAM BUILDING SEMINAR” na 80 botanteng mga kabataan ang dinala sa isang resort sa BULACAN.

Siyempre pa.., manggagalaite ang mga kalaban niya sa kandidatura dahil sa panggugulang ng SK CHAIRMAN CANDIDATE na si JUDIELYN FRANCISCO.. na lingid sa kaniyang kaalaman ay may “SPY” sa mga naisama niyang grupo kaya nagkaroon ng ebidensiya tulad ng mga litrato at video na ginamit ng mga katunggali nito sa paghahain ng reklamo sa COMELEC.

Sa 19-pahinang dokumentong isinumite sa COMELEC ng mga BOTANTENG KABATAAN mula sa . BARANGAY SAN BARTOLOME, NOVALICHES, QUEZON CITY.., ay partikular na hiniling ni ARJAY LACSA sa poll body na idiskuwalipika si FRANCISCO na tumatakbong SK CHAIRMAN .



Giit ni LORENZO, hindi magandang ehemplo sa hanay ng mga kabataan ang aniya’y malinaw na pagbili ng boto ni FRANCISCO sa mga botanteng kabataan.

Bukod aniya sa LIBRENG OUTING na ginanap sa PARADISE ADVENTURE CAMP sa SAN JOSE DEL MONTE CITY, BULACAN, sinagutan din aniya ni FRANCISCO ang lahat ng gastusin.., mula sa transportasyon, hotel accomodation, pagkain hanggang sa mga inuming nakalalasing.., (hehehe hindi kaya ang kulang e ang pamimigay pa ng perang cash sa lahat ng sumama para wala sanang nagreklamo o kumalabit sa mga katunggali?)



“The conduct of a leadership seminar cum team-building with the giving out of free food and liquor, one-night accommodation, and transportation to and from the venue is in violation of the Omnibus Election Code which strictly prohibits all forms of vote-buying,” saad ni LORENZO sa kanyang nilagdaang salaysay.

“All these free perks are manifest of intention to influence, induce and corrupt the electorate,” dagdag pa niya.



Kalakip ng petisyon ni LORENZO ang mga litratong kuha mismo ng isa sa mga dumalo sa naturang libreng pa-outing ni FRANCISCO.

Mga ka-ARYA.., base sa affidavit na imihain sa COMELEC ay noong September 16, 2023 ang excursion.., na ilan sa mga BOTANTENG KABATAAN ang nakatanggap ng imbitasyon para sa LIBRENG OUTING (nagkaroon tuloy ng ebidensiya dahil ang imbitasyon ay iniscreen shot hehehe).. kinabukasan September 16 dakong alas-10;00 ng umaga sa harap ng QC UNIVERSITY sinundo ng sasakyan ang nasa 20 KABATAAN at dinala sa PARADISE ADVENTURE CAMP at doon ay hindi umano bababa sa 80-kabataang botante ang naroroon na pawang.mga residente at botante sa BRGY. SAN BARTOLOME.

Ang kasayahan ay hanggang September 17 umano at mayroon pang ibang batch daw ng mga BOTANTENG KABATAAN ang dinala rin sa naturang lugar sa mga ibang petsa naman… Hehehe galante pala ang kandidatong SK CHAIRMAN na si FRANCISCO?

Aba.., nakatitiyak na nga si JUDIELYN FRANCISCO na mananalo ito sa ELEKSIYON.., kaso nga lang may “SPY” sa mga naimbithan na ang prinsipyo nito ay ang malinis na pangangampanya na walang gulangan.. dahil ang mga nabanggit na petsa ay bawal pa ang pangangampanya ng mga kandidato kasi ang OFFICIAL CAMPAIGN PERIOD ay nitong October 19, 2023 hanggang October 28, 2023 lamang.

Una nang nagbabala si COMELEC CHAIRMAN GEORGE GARCIA na hindi palalampasin ng kanilang ahensiya ang mga mapatutuyang lumabag sa mga nakasaad na panuntunan kaugnay ng halalan.

Naku mga taga BRGY. SAN BARTOLOME lalo na ang mga nakasama sa FREE OUTING e maghanda rin kayo.., kung madiskuwaliika sa kandidatura si JUDIELYN FRANCISCO e kayo naman ang aalo sa kaniya kapag siya’y mag-iiyak.., ipasyal nyo rin siya para mabawasan ang kaniyang depression!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.