Advertisers
NAGSAMPA na ng reklamong ‘carnapping’ at ‘estafa’ ang PNP Highway Patrol Group 4-A laban sa isa pang ‘person of interest’ sa pagkawala ng beauty queen na si Catherine Camilon, isa ring titser sa Tuy, Batangas.
Ang isa pa sa person of interest, ang police major sa Batangas Provincial Police Office, na umano’y karelasyon ni Camilon at nagbigay sa kanya ng kotse na Nissan Juke.
Tumanggi munang ibunyag ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng isa pang person of interest subali’t ito ang bumili ng sasakyan ni Camilon.
Samantala, tikom parin ang bibig ng pulis sa pagkawala ni Camilon.
Ayon kay PRO 4A Public Information Office chief Lt. Colonel Chitadel Gaoiran, nananatiling tahimik ang person of interest na pulis na nasa kustodiya na ng pulisya, habang patuloy ang imbestigasyon at paghahanap kay Camilon.
Itinaas na sa P250,000 ang pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ni Camilon.
Huling nakita si Camilon Oktubre 12, sa isang mall sa Batangas.