Advertisers

Advertisers

Ruru karangalan na masipa ni Monsour

0 15

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

AARANGKADA na ngayong gabi ang Black Rider ni Ruru Madrid.



At masaya si Ruru na nasa cast din ang ilan sa mga kilalang action stars ng bansa tulad nina Zoren Legaspi, Raymart Santiago, Raymond Bagatsing, Isko Moreno, Monsour del Rosario, Roi Vinzon at Gary Estrada.

Ano ang nararamdaman ni Ruru na katrabaho niya ngayon ang mga ito? May natutunan ba siya sa kanila?



“Sobra,” bulalas ni Ruru. “Actually, ang nakaka-fight scene ko pa lang so far, si Sir Monsour, pero siyempre lahat po ng tinitingala po nating mga action stars… napanood ko po yung mga pelikula nila dati, so alam mo yun, may starstruck pa din, e!

“Lalo na pag nasa set na kami, kami ni Boss Monsour nagkaroon kami ng isang fight scene at sobrang nakakatuwa, kasi sabi ko nga masipa lang ako ni Boss Monsour malaking karangalan na, e!



“Kasi yun talaga yung pinapanood natin, yung mga sipa niya, mga fight scenes niya, so nakakatuwa lang kasi iba po yung naging tiwala niya sa akin, iba rin po yung… may mga binibigay din siya sa akin na mga tips pagdating sa paggawa ng action, kung papaano po yung mga anggulo, papaano yung mga daya, papaano yung mga sapaw.

“Itinuturo po niya sa akin, at ako naman para akong sponge lang na tagatanggap, kasi siyempre lahat po ng mga natututunan ko sa kanila iyon po yung ia-apply ko sa trabaho ko.

“But eventually, iyon din po yung pwede ko pang maituro sa mga bagong henerasyon pa ng mga gusto pang mag-action.”

Puro papuri ang ibinigay kay Ruru ng mga nabanggit na action stars.

“Sobrang grateful,” lahad ng Sparkle actor. “Sobrang punung-puno po ang puso ko ngayon ng pasasalamat, siyempre po… sabi ko nga kanina, mapabilang lang po sa kanila at makaeksena, kasi dati pinapangarap ko lang po ito, sa totoo lang, nanonood lang po ako dati ng mga pelikula nila.

“Para sabay-sabay, lahat sila pinapanood ko. Sobrang nilu-look-up ko at nangangarap din na balang araw makagawa din ng teleserye or pelikula na action, at ngayon nabibigyan na po ng katuparan, so I’m just very lucky, very grateful na nangyari ito sa buhay ko, siguro hindi po ito mangyayari kung hindi po…of course, galing po sa tiwala ng GMA, ng Public Affairs, ng Sparkle, thank you guys so much and I promise I won’t let you down, in every scene na ginagawa ko, I will give everything, more than hundred percent.

“Sabi ko hindi para i-prove yung sarili ko sa ibang tao, but also to prove to myself na kaya ko at deserving ako para sa role na ito.”

Kumusta ang mga experiences ni Ruru sa training ng Arnis at martial arts para sa Black Rider?

“Actually, six months prior to our shooting day, talagang nagte-training na ako, naalala ko ginagawa ko pa yung The Write One nun, pero kahit puyat diretso training dahil siyempre ayokong sayangin, e.

“Kasi hindi po lahat ng artista nabibigyan ng pagkakataong makagawa ng action na serye, kaya might as well, I will give everything sa tiwala po na ipinagkaloob nila sa akin at ayokong i-take for granted yung tiwala na binigay nila sa akin.

“Kaya gusto kong higitan pa yung expectations nila sa akin,” pagbabahagi pa ni Ruru.

Ang world premiere ng Black Rider ay ngayong Nobyembre 6, 8 PM sa GMA Telebabad, at may simulcast sa Pinoy Hits at livestreamed sa Kapuso Stream. Mapapanood din ito sa GTV, 9:40 PM. Para sa Global Pinoys, mapapanood ito sa GMA Pinoy TV.

Nasa Black Rider din sina Matteo Guidicelli, Yassi Pressman, at Katrina Halili, at sina Gladys Reyes, Rio Locsin, Maureen Larrazabal, Almira Muhlach at Kylie Padilla sa isang natatanging pagganap.

Nasa cast din sina Jon Lucas, Joem Bascon, Dustin Yu, Joaquin Manansala, Kim Perez, Vance Larena, at Saviour Ramos,

Empoy Marquez, Janus del Prado, at Rainier Castillo.

Magdadagdag kulay sa serye sina Jayson Gainza, Shanti Dope, Pipay, Ashley Rivera, Turing, Sparkle artists Prince Clemente at Mariel Pamintuan at ang young love team nina Ashley Sarmiento at Marco Masa.

Ang Black Rider ay sa direksyon ni Erwin Tagle at nina Rommel Penesa at Richard Arellano.