Advertisers

Advertisers

Hipon inamin, nabuo dahil sa gin bilog

0 15

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE
SA guesting ni Herlene “Hipon” Budol sa Kapuso Mo, Jessica Soho, nagkuwento siya tungkol sa pagiging produkto  ng broken family matapos magdesisyon ang kanyang parents na magkanya-kanya na ng landas.
“Feeling ko naman talagang hindi sila para sa isa’t isa. Kasi na-‘gin bilog’ lang daw ‘yung Mama ko dati, kumbaga nabuo lang ako dahil sa alak,” pag-amin ng dalaga.
Patuloy niya,”Tinry naman nilang magsama kaso hindi na talaga (magkasundo).”
Ngunit proud naman siya sa pagsasabing, “Hindi ako nabuo sa ‘make love,’ pero naging love naman talaga ‘yung bunga, ito (sabay turn sa sarili). Manhid na manhid na ho ako para sa broken family naming issues.”
Sey pa ng aktres, mas naging okay pa nga raw ang pagsasama nilang pamilya noong maging magkaibigan na lang ang mga magulang.
“Kapag naging magdyowa ‘yan, naku, nililipad na naman ng mga kaldero,”  natatawang sabi pa niya.
Ikinwento rin ni Herlene, na nang tumuntong siya sa edad na 15, siya na rin ang nagpaaral sa sarili – mula high school hanggang college. Super proud si Herlene na nakamit din niya ang pinakaaasam na college diploma.
“Maraming salamat din po talaga roon sa mga teacher ko na umunawa sa akin na kapag pumapasok ako, lasing ako.”
Kasunod nito, naikuwento nga niya ang pagtatrabaho noon sa bar bilang waitress para maipagpatuloy niya ang pag-aaral. Pag-amin niya na totoong may mga araw na pumapasok siya na may hangover hanggang sa makatulog na sa klase.
“Pumapasok din po ako sa bar, eh. Kapag po pumasok ako sa school, lasing ako. Minsan nakakatulog ako. Ayun po ‘yung mga panahon na umiinom ako ng alak na hindi ko naman gusto,” pagbabahagi pa ni Herlene
Pero agad niyang nilinaw na hanggang pagwe-waitress lang ang ginagawa niya sa bar at walang extra service, “Nang-uuto po ako ng mga manginginom doon tapos sa-shot din ako tapos magti-tip din sa akin.”
“Ang hirap po ng walang sariling pera. Na-realize ko na puwede naman akong kumita ng sarili ko dahil mukha naman po akong matured.”
Kaya sa dami ng natatanggap niyang blessings ngayon, talagang pinag-iingatan niya ang mga ito, “Ayokong gugutumin ko ‘yung sarili ko Ms. Jessica.
“Tapos na ako sa part na ginugutom ko ‘yung sarili ko noong elementary ako kasi tinitipid ko ‘yung pera ko para may maganda akong outfit sa Pasko.”
***
PINABULAANAN ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga post sa social media na nagsasabing ipinatawag ng Board ang isang kilalang personalidad na lumabas kamakailan sa isang Television commercial ng isang fast-food chain. Ang mga paratang na ito ay may masamang hangarin at walang katotohanan.
Sa panahon ng digital age, mahalaga na tiyakin kung tunay ang mga balita at maging mapanuri sa iba’t ibang sources ng impormasyon bago ito ipamahagi. Ipinapakita ng insidenteng ito ang kahalagahan ng Media literacy at kritikal na pag-iisip.
Patuloy na sumusuporta ang MTRCB sa administrasyon ni Pangulong Marcos Jr. at sa Presidential Communications Office (PCO) sa kampanya nito laban sa disinformation at misinformation. Naniniwala kami na dapat nang wakasan ang Fake News at hayaan na ang katotohanan ang maghari.