Advertisers

Advertisers

Empoy na-trauma sa ex-dyowa kaya loveless

0 15

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA panayam ni Korina Sanchez, inilahad ni Empoy Marquez ang kanyang early beginnings bago pa  man siya nakilalang ace comedian.



Aniya, bata pa raw siya noon ay mahilig na siyang manood ng comedy movies.

Katunayan, nakaugalian na raw niya na noon ang lumiban sa klase para lang  manood ng mga pelikula nina Dolphy, Chiquito, Babalu, Tito, Vic at Joey at iba pang iniidolo niyang mga komedyante.



Pagbabalik-tanaw pa niya, nagsimula raw siya noon bilang lightman sa kaibigan niyang videographer.

Rumaraket-raket din daw siya noon sa isang banda at nagkaroon ng iba pang odd jobs.

Pero ang pinakamalaki raw niyang break ay nang manalo siya bilang grand winner sa Mr. Suave Look-a-life contest sa defunct show na Magandang Tanghali, Bayan, kung saan naging host din siya.



Doon na raw nagkasunud-sunod ang acting offers niya kung saan naging support at minsan ay sidekick siya kina Vhong Navarro, Jericho Rosales, Piolo Pascual, Derek Ramsay at iba pa.

Maituturing daw niyang milestone sa buhay niya ay nang pumatok ang pelikulang “Kita Kita” na pinagbidahan nila ni Alessandra de Rossi.

Dahil daw sa unexpected hit na iyon, nagbago ang kanyang buhay.

Bukod sa na-promote siya sa leading man status, natulungan din daw niyang mapag-aral ang kanyang mga kapatid na lahat daw ay graduate na sa ngayon.
Natupad din daw niya ang pangarap na magkaroon ng sasakyan, makapagpatayo ng bahay para sa mga magulang at mga kapatid at iba pa.
Gayunpaman, kahit nagbibida na at sumikat bilang komedyante, ni hindi raw pumasok sa isip niya ang lumaki ang ulo.

Sa tanong naman ng beteranang broadcaster kung na-develop ba siya kay Alex lalo pa’t swak naman ang kanilang tandem.

Sey ni Empoy, kaibigan lang daw talaga ang turingan nila ng award-winning actress.

Naurirat din ni Korina ang komedyante kung may girlfriend ito sa kasalukuyan.

Ani Empoy, loveless daw siya sa ngayon.

Gusto raw muna niyang magpokus sa kanyang karera.
Hindi rin daw naging  maganda o ‘natrauma’ raw siya sa naging karanasan niya sa kanyang ex.

Pero, matagal na raw naman siyang naka-move on  from his heartbreak.

Lately naman, iniisyu siya sa crush na Bubble Gang babe na si Annalyn Barro.