Advertisers

Advertisers

Ex-misis ni Joey na si Daria humihingi ng tulong-pinansyal

0 14

Advertisers

Ni JOVI LLOZA
ANG hinihiling nga raw ni KC Concepcion na mabuo ang kanyang pamilya ay nagkaroon na ng katuparan.
Ibinahagi ni KC sa kanyang socmed account na noon pa niya hiling at di siya tumigil sa kahilingan kay Santa.
Open book naman na ang kanyang parents na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ay mayroon nang kanya-kanyang sariling pamilya.
Nag iisa lang anak nina Shawie at Gabo si KC.
Kaya nang magkaroon ng comeback project  ang ShaGabby ay isa si KC sa naglulundag sa tuwa.
Kaya from UK ay lumuwas ito sa Pinas para sa pagkabuo ng kanyang pamilya.
Naki-jamming pa nga si KC on stage ng Dear Heart concert sa MOA.
Naging emosyonal si Megastar nang i-duet nila ni KC ang hit song nitong Ikaw.
At doon na nga humingi si Sharon ng apology sa anak na di nila naibigay sa panganay na maging buo silang pamilya.
***
NAGING viral ang panayam kay Daria Ramirez na ex-wife ni Joey De Leon.
Nagsusumamo ito kay Joey na tulungan siya.
Dati na raw siyang nag-emote rito na mabigyan ng bahay at monthly na tulong pinansyal.
Tumugon naman ang TV host- comedian sa kahilingan ni Daria at sumagot pa ito ng “Yun lang ba?”
Hanggang muli itong nanawagan kay Joey at humihingi ng tulong pinansyal.
Alam naman daw ni Joey na wala na masyadong raket si Daria  at inihayag pa nito na may pinagsamahan naman sila.
Naubos daw ang milyon nito sa pagbabayad sa abogado para sa pag- annulled ng kanilang kasal ni Joey.
Nagpakasal kasi ito kay Aileen Macapagal na wala pa ang annulment kung meron man asan daw ang kanyang pirma? Humiling din ito kay Joey na bigyan siya ng kopya ng annulment nila ani pa ni Daria sa panayam sa kanya ng vlogger talent manager na si Ogie Diaz.
Kaya tanong ng netizens ay bakit now lang ito kumuda sa kasalang Joey at Aileen.
Well, well, well… ‘Yun na!