Advertisers

Advertisers

“IT’S SHOWTIME” PASABOG ANG PAGBABALIK; BAGONG SEGMENTS PATOK SA NETIZENS

0 20

Advertisers

PASABOG at pinag-usapan sa social media ang pagbabalik ng “It’s Showtime” sa panibago nitong timeslot na 11:30AM tuwing Lunes hanggang Biyernes handog ang kanilang trending segments na “It’s Showdown” at “Funanghalian” nitong Lunes (Oktubre 30).

Masaya nga ang netizens na nagbalik muli ang programa sa pagbibida ng galing sa pagsasayaw ng mga Pilipino sa “It’s Showdown” at ang kwelang biruan ng hosts sa “Funanghalian.”



Sa naturang segment, dalawang grupo ang maglalaban-laban sa dalawang rounds na Hatawan-on-one at Dance Showdown.

Sa unang round, pipili ng isang pambato ang bawat grupo  at maghaharap ang mga ito sa Dance Arena samantala sa ikalawang round naman ay ipamamalas na nila ang kani-kanilang hinandang pyesa sa madlang people. Sa oras na mag-tie ang dalawang grupo, bubunot ang hosts ng tig-isang pangalan sa grupo na haharap sa isang solo showdown.



Hinirang naman bilang kauna-unahang grupong nanalo sa segment ang AMK Rock Nation matapos nilang makuha ang 4.2 points mula sa hurados na sina world champion coach at World of Dance country director Vimi Rivera, Star Magic head choreographer Mickey Perz at “ASAP’s” Queen of the Dancefloor Kim Chiu.

Samantala, ang “Funanghalian” naman ay isang masayang parlor game kung saan kailangan magtugma ang sagot ng hosts sa bawat category na ibigay sa kanila.



Makisaya sa buong pamilya ng “It’s Showtime,” 11:30 AM mula Lunes hanggang Biyernes, at 12 NN tuwing Sabado sa A2Z, Kapamilya Channel, GTV, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel. Huwag din palampasin ang “Showtime Online U” sa YouTube channel ng “It’s Showtime.”