Advertisers

Advertisers

SANYA MAS BET SI JOSHUA KAYSA ALDEN

0 21

Advertisers

Ni BETH GELENA
GUEST si Sanya Lopez sa Fast Talk With Boy Abunda.
Tinanong ni Kuya Boy kung sino kina Alden Richards at Joshua Garcia ang maa gusto niyang makatrabaho sa isang teleserye.
Aniya, “piliin ko muna si Joshua Garcia.”
Paliwanag ng Kapuso aktres: “Kasi si Joshua parang noong una ko siyang nakita sa ‘Unbreak My Heart’ nila. Sa isang mall, very genuine and parang kinausap niya ako.”
“Parang kasama niya ‘yung mga relatives niya na pwede [daw] bang magpa-picture. ‘Yung lumapit sa akin para sabihin niya sa akin na puwede pong magpa-picture ‘yung family ko. Sabi ko, oo naman ‘no,” biro pa raw niya.
Naalala pa raw niya na nahiya siya sa presensiya ng Kapamilya aktor during that time, pero naniniwala siyang magki-click silang dalawa kapag naging magkatrabaho sa isang proyekto.
“So ‘yung p lang parang feeling ko, magiging okay kami ‘pag magkasama. Parang wala kaming dull moments,” dugtong pa ng sister ni Jak Roberto.
Sabagay, hindi naman malayong mangyari dahil nagko-collab na ng mga proyekto ang ABS-CBN at GMA-7.
Malay natin ma-grant ang kagustuhan ni Sanya.
***
KYLIE PINAGLABAN MARRIAGE LIFE NAUWI RIN SA HIWALAYAN
HINDI napigilang mapaiyak ni Kylie Padilla nang balikan ang kwento ng kanyang failed marriage.
Natanong naman siya kung ano ang lesson  na kanyang natutunan sa nangyari.
Ani Kylie,  sana raw ay nagtira siya para sa sarili.
Nilaban daw niya ang pamilya dahil ayaw niyang maramdaman ng mga anak nila na may kulang sa kanilang buhay, pero nauwi pa rin daw sa hiwalayan ang pagsasama nila ni Aljur Abrenica.
Emosyonal  ang Kapuso aktres sa Fast Talk with Boy Abunda.
“Inubos ko and nauwi rin sa hiwalayan”
“But because I made the promise of marriage, even if sabi ko sa sarili ko, ‘Okay, if I’m unhappy now and magiging ganito na yung set-up namin, ipaglalaban ko pa rin para sa mga anak ko.’
Ani Kylie, hindi siya noon talaga naniniwala sa marriage pero ginawa niya para maranasan ng mga anak niya ang buong pamilya. “Sa totoo lang, I don’t believe in marriage. I don’t. But because I want my kids to have a whole family, I did it. I did it because gusto kong maranasan nila yon, yung buo yon.”
Paglilinaw naman niya, “Walang pagsisisi kasi my kids have really a good relationship with their dad until now.”
***
VINA NILANTAD ANG BAGONG GUY SA KANYANG PUSO
IBINIDA na ni Vina Morales sa social media ang bago niyang man of her life.
Hindi dinetalye ng singer/actress ang name ng guy at kung tagasaan ito.
Flinex lang niya ang kanilang mga larawan sa social media kung saan mga sweet photos ang kanilang mga kuha sa park ng Washingtonn, D.C.
Happy ang mga fans ni Vina sa bago niyang pag-ibig.

Anila: “Go lang V try lang ng try until u find the one”

“Uy, huma-hard launch si tita!”
“Ganda pa rin ni Vina until now, maintain kung maintain.”
“May anak pa yan ha?”
“That’s what money can do. May pang bayad sa vit c drip, body scrub, facials, supplements at pmbili healthy food.”
“yes maganda sya pero always on heavy makeup din sya”
“Sa true! Actually silang magkakapatid even the sisters na hindi artista, ang gaganda ng face.”
“Yan na sana si Mr. Right”
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">