Advertisers

Advertisers

KUDETA HINDI NA USO

0 51

Advertisers

HUWAG sa mga sabi-sabi na may namumuong kudeta, o sapilitang pang-aagaw ng poder ng isang hindi natutuwang grupo o paksyon sa militar. Hindi na uso ang kudeta. Nawala na ito sa takbo ng panahon. Mas lalong huwag maniniwala kung ang nabalitang nagpasimuno ng kudeta ay mga retiradong opisyal.

Walang tao o tagasunod ang mga retiradong opisyal. Nabubuhay sa kahapon ang mga dating heneral o koronel ng militar. Dahil retirado na sila, wala silang command ng mga sundalo sa Sandatahang Lakas. Wala silang hinahawakan na mga sundalo na susunod sa kanila sa isang kumpas ng kamay at bagsak ng salita.

Marami sa kanila ang nabubuhay sa kahapon, o noong panahon na sila ay nasa poder at tinitingala ng mga sundalo. Maingay ang mga retiradong opisyal. Dahil retirado, wala silang armas at mga sundalo na susunod sa kanila. Sila ang mga suki sa mga coffee shop at fast food joint kung saan doon nagplano umano ang mga kudeta.



Ganyan ang tsismis noong panahon ng diktadura ni Ferdinand Marcos Sr. Palaging may balita o haka-haka na nakatakdang pamunuan ng ilang retiradong heneral ang isang kudeta laban kay Marcos. May karugtong ang mga balitang ito. May planong magtatag ng revolutionary council ang mga retiradong opisyal na nauugnay sa kudeta.

Nagkatotoo ang mga balitang kudeta. Hindi mga retiradong opisyal ang nanguna. Nanggaling ito sa ilang paksyon ng sundalo sa loob mismo ng Sandatahang Lakas. Sila ang mga opisyal na nasa active duty. Sila ang may command at may mga tao na susunod sa kanila.



Sila ang mga may kapangyarihan at armas na maaaring gamitin kontra sa estado. Sila ang may poder sa militar. Hindi sila ang mga matatalino. Hindi sila pipitsugin na hanggang sa salita lang nasusukat ang kanilang angking galing at talino.

Ipagpalagay na may nabubuong kudeta sa loob na Sandatahang Lakas, hindi kaya decoy lang ang mga retiradong opisyal. Hindi kaya sila ay mga pain lang? At kung totoo, sino ang may kakayahang pondohan ang anumang pag-aalsa sa loob ng AFP?



Sino ang papalit kay BBM? Sino ang umuugit ng gobyerno? Sino ang hahawak ng timon?

Hindi kami naniniwala na sasali ang mga sundalo sa anuman pagkilos kung ang uupo pangulo ay isang Duterte. Hindi kami naniniwala na magpapakamatay ang mga sundalo dahil lang kay Sara. Hindi silang handa na ialay ang kanilang career ang buhay dahil lang kay Sara. Sa tingin namin, utot lang na naimpatsong utak ni Gongdi ang kudeta.

Hindi dahil sa wala silang kakayahan. May kakayahan sila dahil sa bilyong ninakaw sa kaban ng bayan noong panahon ni Gongdi. Ang malinaw ay walang naniniwala sa kanila sa kanila. Walang matinong sundalo na iaalay ang buhay dahil sa mga Duterte.

Hindi sila baliw or luko-luko na magpapakamatay sa isang Duterte na hindi nakuha ang gusto sa pambansang budget. Hindi sila baliw para makinig sa mga kalokohan na pinagsasabi ni Gongdi nooong nagsumbong ang malditang anak sa pag-alis ng Kongreso ng kanyang confidential fund na aabot sa P650 milyon para sa 2024.

Mas maraming sundalo ang naniniwala sa Saligang Batas ng 1987. Sila ang mga tinatawag na “constitutional soldiers” na kanilang katapatan ay sa Saligang Batas at hindi kaninuman. Sila ang mga sundalong kumakapit sa kanilang sinumpaang tungkulin sa gobyerno.

Hindi na uso ang kudeta. Pinaglumaan na ito ng panahon. Nais lamang manggulo ng mga taong nagkakalat ng ganitong alimuom. Wala itong matwid o batayan. Wala sa hulog, sa madaling salita. Huwag pakinggan. Itakwil at huwag maniwala.

***

HANGGANG hindi tumitigil ang China sa pangangamkam ng ating teritoryo, pagnakaw sa ating yaman dagat sa ating exclusive economic zone (EEZ), at pagkasira ng ating mga kaligiran, hindi titigil ang mga demokratikong bansa upang palakasin ang kanilang alyansang militar. Sa maikli, mas lalong magkabigkis-bigkis ang mga malayang bansa.

Ito ang hindi naiintindihan ng China. Kalaban ang buong mundo. Wala silang kakampi kundi ang Cambodia at ang grupong Inferior Davao na pinangungunahan ni Gongdi. Ngunit hindi Filipinas ang Inferior Davao. Hindi sila pinaniniwalaan dahil ang tingin sa kanila ay mga taksil sa bayan. Mga Makapili, sa madaling salita. Mga traydor.

Kamakailang pumunta sa bansa si Prime Minister Kishida upang pagtibayin ang alyansa ng Filipinas, Japan, at Estados Unidos. Tulad ng Filipinas, hindi papayag ang Japan sa panunuwag ng China sa rehiyon ng Silangang Asya.

***

ISA kami sa mga sumasang-ayon na huwag pahintulutan ang Tiktok sa Filipinas. Nakasandal sa hinala ang panukalang ban sa Tiktok, ngunit hindi maalis sa isip namin na may batayan ang hinala na ginagamit ng China ang Tiktok upang mag-espiya sa bansa. Hindi natin kailangan ang Tiktok. Wala itong silbi sa marami sa atin.

Mas matutuwa kami kung ipapakita natin agad sa Peking na handa tayo na pilayin ang kanilang teknolohiya, na hindi tayo sang-ayon sa kanilang pamamalagi sa ating bansa. Iparamdam natin sa China na malayang bansa tayo at handa natin alisin ang anuman impluwensya ni Gongdi na maging pro-China ang bansa. Kontra China tayo.

***

MGA PILING SALITA: “If in ‘betraying your friends, your country, etc. by giving away secrets about them, by lying to or about them or by doing other things that will harm them,’ one is deemed a traitor by the dictionary’s definition, can both spokespersons be mere purveyors of US propaganda? Are they causing ‘chilling effects’ on legitimate journalists, bloggers and opinion writers? This is a very interesting article penned by Major General Edgard Arevalo (Ret), a true patriot and former member of the Philippine Marines. His extensive service to our country adds an extra layer of credibility to his words, particularly in calling out those who claimed to be Pro-Filipinos but appear to be Beijing’s mouthpieces.” – Commodore Jay Tarriela, spokesman of the Philippine Coast Guard on West Philippine Sea issue

“Confirmed: Destabilization plots by retired military generals are attributed to Rodrigo Duterte. Expose this! The man is in panic mode. ICC is coming to town that’s why.” – Antonio Montalvan II, netizen. mamamahayag, kritiko

“Bakit kaya pilit tinatakpan ang kudeta ni Digong? Takot bang maalis sa pwesto si Eduardo Año? Mukhang may cabinet cleaning na mangyayari. Dapat unahin ni BBM si Sara. Ilipat sa Agrarian Reform. Tingnan natin kung may magagawa siya sa mga Bisayang may mga malalawak pang lupain” – Miyako Izabel, netizen, kritiko