Advertisers

Advertisers

Mga nanalo sa BSKE 2023 binigyan ng 3 linggong transition period at P1,000 na buwanang hazard pay sa mga barangay tanod, isasabatas na

0 14

Advertisers

Mga nanalo sa BSKE 2023 binigyan ng 3 linggong transition period at P1,000 na buwanang hazard pay sa mga barangay tanod, isasabatas na

Matapos ang naganap na 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) nitong Oktumbre 30, kinalampag naman ni Senator Jinggoy Estrada na agad na maisabatas ang panukala na pagbibigay ng P1,000 na buwanang hazard pay para sa mga barangay tanod.

Sa Senate Bill 794 na inihain ni Estrada, inirerekomenda ng senador na bigyan ng buwanang P1,000 na hazard pay ang mga itatalagang miyembro ng barangay tanod brigades.



Ito ay insentibo kapalit ng kanilang pagganap sa tungkulin na pagpapanatili ng kaligtasan at kaayusan sa kanilang komunidad.

Sa kasalukuyan ay honoraria o allowance lang ang natatanggap ng mga barangay tanod na hindi bababa sa P600 kada buwan.



Ayon pa kay Estrada, ang mga barangay tanod ang nagpupuyat sa gabi at sila rin ang frontliners na nagbabahay-bahay noon at nag-aabot ng tulong sa mga kababayan tulad ng nasaksihan noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Binigyang diin ni Estrada na bagama’t tulad sa ibang mga opisyal ng barangay ay nakakatanggap din ng ibang benepisyo ang mga barangay tanod, nangangailangan din ang mga ito ng dagdag na proteksyon.



Nararapat lamang aniyang makatanggap ng sapat na suporta at pagkilala mula sa gobyerno ang mga barangay tanod.

***

Binigyan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng tatlong linggong transition o panahon ng maayos na turnover ang mga bago at papaalis na opisyales ng Barangay at Sangguniang Kabataan.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Interior Secretary Benhur Abalos na bagama’t itinatakda ng Korte Suprema na agad nang makakapagsimulang manungkulan ang mga nanalo sa eleksyon ay may mga nakikita ang DILG na mga posibleng problema, partikukar sa paggawa ng bank account, pipirma sa sweldo ng mga empleyado at sa mga bayarin sa kuryente at tubig.

Ani Abalos, pagkatapos maiproklama ay kinakailangang makakuha na ng secretary at treasurer ang papasok na punong barangay upang may magproseso sa mga monetary transaction.

Aniya, sa loob ng tatlong linggo ay dapat na nailipat na sa mga bagong mamumuno ang mga ari-arian at dokumento.

Sakali naman aniya na ayaw sumunod mga bagong opisyal, mayroon naman umanong transition team na tutulong sa pagpapabilis sa proseso ng turnover ng mga dokumento at ari-arian.

***

Suhestyon at reaksyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com