Advertisers
KINUMPIRMA nitong Miyerkules ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang katotohanan ng lumabas na ulat tungkol sa kanyang paninindigan sa pagbalik sa P625 million confidential fund ni Vice President Sara Duterte.
Sa nangyaring session noong Martes, Nobyembre 7, sinabi ni Pimentel na tama ang ulat ng website Politiko na suportado niya ang pag-alis sa confidential funds para sa Office of the Vice President ni Sara Duterte at Department of Education na pinamumunuan din ng huli sa ilalim ng iminungkahing P5.768-trillion national budget.
“Disappointed nga ako sa report eh kasi ang sabi doon against ako sa restoration ng confidential fund ng Office of the Vice President. Tama yun pero kulang,” sabi ni Pimen- tel.
Sinabi niyang dapat in-update ng Politiko ang pagsama ng kanyang posisyon na ang Office of the President ay dapat din tanggalan ng confidential at intelligence funds, na nagkakahalaga ng P4.5 billion.
“Kasi the Office of the President is a civilian office, not an armed agency and not a uniformed agency,” paliwanag ni Pimentel.
Maliban kay Pimentel, iniulat din ng Politiko na sina Senador Risa Hontiveros, Francis Escudero, Raffy Tulfo at Sonny Angara ay kumokontra rin na ibalik ang confidential fund ni VP Duterte sa caucus ng mga mambabatas noong Lunes (November 6).
Sinabi naman ni Senate President Juan Miguel Zubiri na ang pagsiwalat ni Pimentel ay walang paglabag sa confidentia-lity rules tungkol sa mga caucus.
“You’re not violating the rules because you’re divulging your own position,” sabi ni Zubiri, kababayan ni Pimentel.
Nagalit naman sina Senador Ronald Dela Rosa at Jinggoy Estrada, na umano’y gustong ibalik ang confidential funds ni VP Duterte, sa lumabas na ulat. Gusto nilang imbestigahan ang tungkol sa source ng nag-leak na pinag-usapan sa caucus.
“I do not know who of our colleagues scooped or leaked our conversation to this media outlet. I have been a senator here for more than 10 years and this is the first time that I encountered a scoop or a leakage. This is a violation of our rules,” ngitngit ni Estrada.
Nilinaw ni Estrada na walang voting na ginawa ang mga senador sa caucus kung sino ang pabor para ibalik ang confidential funds ni VP Duterte.
Maliban kina Estrada at Dela Rosa, sinasabing ang pito pang senador na pabor para ibalik ang confi funds ni VP Duterte ay sina Robin Padilla, Bong Go, Ramon Revilla, Jr., Lito Lapid, Francis Escudero, Cynthia Villar at Pia Cayetano.