Advertisers

Advertisers

Paulo umayaw sa ibang offer, nakapokus sa ‘Linlang’; Sharon nakiusap sa bashers

0 19

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

MARAMI palang proyekto na niligwak si Paulo Avelino dahil sa kanyang karakter na si Victor sa Linlang.
Kung offer din lang daw ay napakadaming offer kay Paulo.
Pero napansin ng netizens na tila nagpabaya na sa sarili ang aktor.
Ibinuhos daw ng aktor ang dedikasyon nito sa serye at sa kanyang karakter na ginagampanan.
Kung tatanggapin daw nito ang ibang offer ay baka di ugma dahil sa kanyang karakter sa serye.
After nga raw ng serye ay baka pa lang ito tumanggap ng ibang proyekto.
Pero dahil tinangkilik ang Linlang ay baka tumagal pa ito sa ere.
***
SA latest post sa socmed ni Megastar Sharon Cuneta ay ibinahagi nito ang larawan kasama sina ex-Sen Kiko Pangilinan, Miel at Miguel.
Ibinahagi ni Sharon ang simple b-day celebration ng 14 years old anak na lalaki.
Pansin na hindi sila kumpleto sa selebrasyon ng kaarawan ng bunsong anak.
Wala sa larawan ang dalawang ate na sina Kakie na nasa New York City at KC Concepcion.
Pakiusap ni Sharon sa mga basher na tigilan na ang kanyang pamilya at lalo sa kanyang mga anak na pinagsasabong.
Tahimik nga raw silang pamilya kaya pakiusap nito sa bashers na tigilan na sila.
Well, well, well…’Yun na!