Advertisers

Advertisers

Kris inokray ang copycat na tagahanga

0 13

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

MARAMI ang na- excite sa reunion nina Boy Abunda at Kris Aquino nang dalawin ng King of Talk ang huli sa bahay nito sa Amerika.
Nag-travel down memory lane rin sila para alalahanin ang mga pinagsamahang toprating talk shows ng dalawa.
Katunayan, may mga na-touch sa gesture na iyon ng Fast Talk TV host sa dating Presidential sister.
Isa namang follower ni Kris na tumutugon sa IG handle na kris.aquino14 ang nagbigay ng kanyang mensahe ng pagsuporta kay Kris.
Aniya: “Your unwavering courage and strength inspires a lot of people including me. Laban lang po, Madam.You deserve all the love, concern and prayers. We love, love, love you!@krisaquino.”
Umandar naman ang pagiging prangka to a point na taklesa ni Kris lalo’t di niya feel na ginagaya siya.
Pinayuhan niya ang netizen na magbago ng IG user name.
Sagot ni Kris: @kris.aquino14, may I ask that you please change your name to something super not like mine? Suggestion names, I really like Lilac, Amethyst, Lavender and Pink.Bailey’s also good.”
Tugon naman ni kris.aquino14:” Sure, madam! Thank you. Your suggestions are very much appreciated.”
Sa ngayon, binago na ng nasabing IG user ang kanyang handle at ginawang kris.amethyst14.
***
ALEX GONZAGA INGGIT KAY ZEINAB HARAKE
VIRAL ang ibinahagi ni Alex Gonzaga na clip sa kanyang Instagram story.
Makikita kasi sa nasabing clip ang pag-aasikaso ni Bobby Ray Parks, Jr. sa kanyang nobyang si Zeinab Harake.
Marami rin ang naaliw dahil sa atensyong ibinibigay ng basketball star sa vlogger.
Keber din ang cager na maakusahang nagpapa-ander kay Zeinab sa ginagawa nitong pagblo-blower ng buhok ng huli.
May caption itong: Happy for you!!!! Never ako blinower ni Mikee ha!”
Ni-reshare naman ito ni Zeinab sa kanyang Instagram at nagreact siya na: “Aw amissyou. Mas kinilig ako sayo te, thank you.”
Ang lakas naman ng aliw factor ng post na iyon ni Alex.
Hirit naman ng kibitzers, inggit daw ito sa pa-PDA ng cager sa YouTuber turned actress.
May mga humirit pa na ang suwerte raw ni Zeinab for having a kind and understanding boyfriend.