Advertisers

Advertisers

2 Tulak timbog sa P136k shabu sa Caloocan

0 22

Advertisers

NALAMBAT ng Caloocan PNP ang mahigit P100k halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operation at naaresto ang isang tulak ng iligal na droga at na-rescue ang kasabwat nitong menor-de-edad na lalaki sa Caloocan City, Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ni Caloocan Police Chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naaresto na si Alfie Martinez, 37; at ang na-rescue na 15-anyos na binatilyo, kapwa residente ng 3rd Avenue, Brgy. 120.

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon mula sa isang Regular Confidential Informant (RCI) hinggil sa illegal drug activities ni Martinez kaya isinailalim nila ito sa balidasyon at nagpositibo.



Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 20 grams ng shabu na may standard drug price value na P136,000.00 at buy bust money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.(Beth Samson)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">