Advertisers

Advertisers

Confidendtial funds ng ilang civilian government agencies, planong tanggalin?

0 13

Advertisers

Hindi pa pinal ang desisyon ng Senado na tanggalan ng confidential funds ang ilang mga civilian agencies kabilang na rito ang Office of the Vice President (OVP), Department of Education (DepEd) at iba pa.

Ayon kay Senator Imee Marcos, ang nangyari pa lamang ay sinang-ayunan ng lahat ng senador na i-adopt o tanggapin ang desisyon ng Kamara na alisan ng confidential funds ang mga civilian agencies na nabigyan nito noong una sa ilalim ng 2024 National Expenditure Program (NEP)

Aniya, sasalang pa sa deliberasyon at debate ng mga senador sa plenaryo ang desisyong tuluyang tanggalan ng confidential funds ang ilang civilian agencies at saka ito pagbobotohan.



Sinabi ni Marcos na may mga senador na hayagan ang pagsusulong na alisan ng confidential fund ang ilang civilian agencies lalo na ang tanggapan ni Vice President Sara Duterte na kilalang kaibigan at malapit sa senadora.

Magkagayunman, may mga mambabatas din na umaapela na huwag pagdamutan ng confidential funds ang nasabing opisina lalo’t isang hakbang lang ang tanggapan nito sa opisina ng presidente na mayroon namang P4.5 billion na confidential at intelligence funds.



Binigyang diin pa ni Sen. Marcos na mismong si VP Duterte na ang nagsabing ipinauubaya niya sa Kongreso ang desisyon kung pagbibigyan sila o hindi sa confidential funds.

***



Samantala inadopt ng Senado ang desisyon ng Kamara na bawasan ang confidential and intelligence fund (CIF) sa ilalim ng 2024 national budget.
Sa budget deliberation sa plenaryo ng Senado, sinabi ni Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara na inadopt ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso sa kanilang committee report ang rekomendasyon ng Kamara na tapyasan ang CIF.

Ayon kay Angara, mula sa orihinal na P10.1 billion na CIF sa ilalim ng 2024 National Expenditure Program (NEP), bumaba sa P9.82 billion ang CIF sa ilalim ng pambansang pondo sa susunod na taon.

Sinabi ng senador na tinatayang nasa 300 million din ang ibinawas sa CIF kung saan ang ilang civilian agencies ay tinanggalan ng confidential fund habang ang iba naman ay inilipat lamang sa ibang law enforcement agency na nagpapatupad ng security at safeguarding sa bansa.

Natanong kasi ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na kung halos P300 million lang ang nabawas sa CIF, ay saan naman napunta ang P500 million na confidential fund na unang hiniling ng Office of the Vice President (OVP).

Tugon ni Angara, ito ay ni-realign sa National Intelligence Coordinating Agency (NICA), National Security Council (NSC), Philippine Coast Guard (PCG) at sa iba pang ahensyang may kinalaman sa security at intelligence.

***

Suhestyon at reaksyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com