Advertisers
DALAWANG international airlines ang tinanggap ng Manila International Airport Authority (MIAA) na mag-ooperate sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 simula Nobyembre 9 at Disyembre 1, 2023.
Sinabi ng MIAA Officer-In-Charge Bryan Co na ang Greater Bay Airlines (HB) flights mula sa Hong Kong-Manila-Hong Kong at Batik Air (OD) mula sa Malaysia-Manila-Malaysia ay sasama sa lumalaking roster ng mga international air carriers sa NAIA.
Dumating ang initial flight ng Greater Bay Airlines (HB) flight 231 sa NAIA Terminal 3 ngayong Huwebes ng 1:48 A.M bago ang kanilang nakatakdang 2 A.M na lulan ng 33 pasahero sakay ng Boeing 737 habang ang Batic Air (OD) ay daily flights sa pagitan ng Kuala Lumpur-Manila-Kuala Lumpur na inaasahang darating ng 2:50 A.M at aalis ng 3:50 A.M simula Disyembre 1, 2023.
Ayon kay Co, ang NAIA Terminals ay mayroong 48 international air carriers kabilang ang Philippine Airlines, Cebu Pacific Air at AirAsia Philippines kasunod ng matagumpay na paglulunsad ng Hong Kong base budget airlines na HK Express (UO) at ang araw-araw nitong paglipad sa pagitan ng Hong Kong-Manila-Hong Kong noong nakaraang Oktubre 17, 2023 pati na rin ang United Airlines (UA) na mga non-stop flights na kumukonekta sa Manila- San Francisco sa Oktubre 30, 2023.
Ang malaking epekto ng pag-unlad na ito sa koneksyon ng paliparan habang pinalalakas ng mga bagong airline ang posisyon ng Maynila sa mga international flights na konektadong paliparan sa buong mundo.
Ang NAIA ay nasa ranggo kamakailan sa ika-15 sa OAG Megahub Index 2023 sa nangungunang 50 pandaigdigang megahub sa paliparan, ika-6 sa mga nangungunang internasyonal na megahub sa rehiyon ng Asia Pacific, at ika-3 sa nangungunang 25 na low-cost carrier airport megahub.
Ang pagsasama ng Greater Bay Airlines at Batik Air ay nagdala sa kabuuang bilang ng mga air carrier na hino-host ng NAIA sa 48, kasama ang 42 na mga international carriers na nagsisilbi sa 57 international destinations.
Ang kakayahan ng MIAA na tumanggap ng mas maraming flight sa mahusay na pamamahala ng iskedyul na isinagawa ng Airport Integrated Command and Control Center (AICCC), isang critical facility sa loob ng NAIA na nagsisilbing sentrong hub para sa koordinasyon at pagkontrol sa mga operasyon ng paliparan.
Kasalukuyang pinangangasiwaan ng AICCC ang 800 flight na umaalis at darating sa NAIA sa loob ng 24 oras at may potensyal na tumanggap ng mas maraming flights depende sa pagkakaroon ng mga runway slots. (JOJO SADIWA)