Advertisers
Muling ipinaalala ng pamunuan ng Manila North Cemetery ang ilan mahahalagang alituntunin na dapat sundin ng mga bibisita sa naturang semester you bilang bahagi ng paghahanda sa nalalapit na Undas 2026..
Sa abisong inilabas ng pamunuan ng Manila North Cemetery, sa October 27, 2026 ang huling araw para sa paglilinis, pagkukumpuni at pagpipintura habang sa October 28, 2026 naman ang huling araw ng libing.
Mula October 29 hanggang November 2, 2026, bukas ang Manila North Cemetery mula alas-5:00 AM hanggang alas-8:00 PM kunv saan sa mga araw na ito, hindi na papayagang pumasok ang anumang uri ng sasakyan sa loob ng sementeryo.
Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagdadala ng baril at matatalim na bagay, mga nakalalasing na inumin, alagang hayop, gitara, malalakas na sound system at speaker.
Ipagbabawal din ang mga bagay na madaling magliyab tulad ng alcohol at thinner.
Maagang naglabas ng abiso ang pamunuan ng Manila North Cemetery para sa kaligtasan, kaayusan at kapakanan ng bawat pamilyang bibisita bilang paggunita ng Undas habang magbabalik ang regular na operasyon sa November 3, 2026 . (Jocelyn Domenden)